

ang sakit talaga at sobrang bigat sa damdamin nung umalis ako papuntang singapore. alam ko na kahit malapit lang ito sa Pilipinas talagang nanaig yung lungkot kasi alam ko na mawawalay ako sa piling ng magulang, kapatid at barkada ko. masaya kasi ako tuwing kasama ko sila. lahat naman siguro tayo ganun din ang maramamdaman lalo na kung nasa isipan natin na matagal natin silang hindi makikita, makakausap at makaka-piling. naiisip ko na madaming good times na hindi ko sila makakasama, may mga happening na hindi ko mararanasan. ang sakit nung damdamin ko nung hinatid ako ng magulang ko sa NAIA 2, nandun sila hangga't makapasok ako dun sa waiting area. lingon ako nang lingon para makita sila habang pumipila sa pagbayad ng boarding pass. lagi ko iniisip kung bakit ko kailangan umalis at mamiss silang lahat. actually hindi ko rin masagot iyang tanong na iyan. hindi lang gobyerno ang dapat sisihin pero dapat lahat tayong mga Pilipino. kasi tayo lang naman yung nasa Pilipinas di ba? tayo tayo lang naman din yung hindi nagbabago. siguro para umunlad na talaga yung bansa natin, dapat yung pagbabago manggaling mismo sa atin. kapag tayong mga normal na mamamayan na yung nagsimula ng pagbabago, siguradong uunlad na yung bansa natin. wala nang mga tatay, nanay, anak o kaibigan ang kailangang umalis para magtrabaho at maghanap buhay sa ibang bansa kasi mayaman at maunlad na ang bansang Pilipinas. ok lang naman din dito sa singapore, madami ding Pinoy pero iba pa rin yung nandun ka sa lugar kung saan ka lumaki. hindi na ako maka-antay makauwi at magbakasyon sa Batangas, pero next year pa ako pwede magbakasyon. ang hirap ng ganito ang tagal ng inaantay. sobrang nakakaulila.






=( uu tama ka kakalungkot talaga malayo sa pamilya mo.. pero isipin mo din ha... dami pilipino gusto makipagsapalaran sa ibang bansa kasi sa tingin nila uunlad sila dun... You're Lucky kasi nakarating ka dyan... do you're best dyan and Take Care Always.. isipin mo na lang din na para sa kanila gagawin mo.. para sa kinabukasan ng family mo... ^__^
=( gusto ko nga din magwork abroad kasi kulang ang sweldo ko dito.. ang mamahal na ng bilihin... kung magkaroon lang ako ng chance... i'll grab that opportunity..