In memory of my mom...who's supposed to be spending 28 years with my dad this coming March...
hawak ko
ang mga aral na itinuro ng aking ina.
itinuturing na gabay sa aking bawat hakbang.
isinasaisip sa bawat suliraning dinadala.
hawak ko
ang mga ala-alang iniwan ng aking ina.
binabalik-balikan ang mga masasayang sandali.
nakagagaang ng mga bigat na dinadala.
hawak ko
ang puso at pagkatao ng aking ina.
isang pusong punong-puno ng pagmamahal.
isang pagkataong matibay, mapagpasya't malaya.





