Pinoy Blogs
View Archive
Create Pinoy Blog

Mahal Namin Kayo, Inay

http://www.youtube.com/watch?v=4T5XQ_I8mX4 




 

Ni Paul Pruel
Riyadh , KSA

Napakasarap po alalahanin, Nanay
Ang mga araw na iyong pinagdaanan
Buong buhay n'yo po ay inilaan
Sa pagpapalake't paga-alaga sa amin

Hindi n'yo po inalintana ang init
Ng araw at ang lamig ng gabi
Upang kami ay iyong gabayan
Hanggang kami ay nagsilaki

Ang iyong mga yakap at halik
Para sa amin ay mabisang gamot
Pinapawi nila ang aming takot
Sa t'wing dumadalaw ang gabi

Kayo po ay ang aming Anghel
Na may dalang liwanag at pag-asa
Nagbabantay sa amin sa tuwina
Upang masiguro na kami'y ligtas nga

Paano po namin kayo pasasalamatan, Nanay?
Kahit pagsamahin man ang lahat ng kinang
Ng mga ginto't diyamante ay hindi sapat
Na tumbasan ang lahat ng inyong pagpapakasakit!

Ngunit sa kaibuturan ng aming mga puso
Ay ligaya't saya ang nadarama at sabay-sabay
Kaming magsasabing: Maraming salamat
Mahal Namin Kayo, Inay. Happy Birthday!