Pinoy Blogs
View Archive
Create Pinoy Blog

I Know I'm Still Pinoy

Dahil...

  1. Kumakain pa rin ako ng Ligo, daing na pusit, itlog na pula, sinigang at otap dito sa Australia.
  2. Pagbukas mo ng aming pantry, (lintek, may pa-pantry-pantry pa akong nalalaman ngayon, ah..hehe)  bubulagain ka ng Mama Sita’s Sinigang Mix, Adobo Marinade, Barbecue Marinade, Barrio Fiesta Sweet/ Spicy alamang, UFC Tamis-Anghang Ketchup, Datu Puti, Rufina Patis, Marca Piña Soy Sauce, etc. Tanong ni Labiduds, (ang husband kong Aussie) kung balak ko raw magtayo ng Pinoy supermarket sa bahay. Hahaha…
  3. Nakikinig pa rin ako ng OPM habang nagda-drive…APO(sipsep!), Parokya ni Edgar, Manila sound, remake ng APO hits (sipsep talaga) at alam mong naho-homesick na talaga ang lola kapag isinalang na rin sina Tita Shawie, Tito, Vic & Joey at would you believe, si Yoyoy Villame…mwahaha. Pero ang “Bebot” ba ng Black-eyed Peas ay OPM? Ito ang current favourite ni Labiduds sa kanya namang kotse.

Sa bahay naman, pag Sabado ay pumapailanlang sa ere ang San Miguel Philharmonic, Hotdog Samba, some old Filipino hits rendered in guitar at si Ryan Cayabyab. Current flavour of the month ay yung CD ni Jose Mari Chan entitled “Strictly Commercial”, a collection of commercial jingles he wrote over the years. Ito ang huli kong find nang huli akong umuwi. Nostalgic! Kasi parang bukas ang TV namin nung bagets pa ang lola. Sample?

 

      “ Long after your phone call has faded away

         Long after your warm hello has strayed

         I can’t forget the memories that you sent my way…

 

         Cause no one throws a Hallmark card away

         Cause no one throws away memories.”

 

O, devah? Personal peyborit ko yan nung teenager pa akesh. Kahit walang nagpapadala ng Hallmark card sa akin…hehe.

4. Binibili ko ang bawat librong matalisod ko dine na written by a Pinoy author. So far, I’ve found five including a coffee table book on People Power, Cory Aquino’s biography, a memoir about growing up during World War II written by a Filipina based in Sydney.

 

5.Bumili ako ng kopya ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Balak kong basahin uli isang araw para hindi ako maging malansang isda. Teka, pero yung bagong English translation yung nabili ko, eh.

 

6. Kapag ginugulat ako o inaasar ni Labiduds, “’Tang ina ka!” ang lumalabas sa bibig ko. Pero sa kanyang pandinig ay “dung in a car” daw ang sinabi ko. Hale-er? Sabagay, mas mabait pakinggan yun..Wink

 

7. “Aray” pa rin ang aking expression for pain at hindi “ouch”. Pag masakit na masakit ay "aray-aray-aray!"Smile

Looking at this impromptu list, tipong recreating the taste, rhythm and sound of home ang drama, ano? Wink

 


COMMENTS

Pilipino ka nga.... nakikinig ka ng APO. AT HINDI SIP SIP YUN! heh heh

Hi Marc! Bakit mo naman ako pinupo-po? Nahalata mo ba kung anong era ako nabuhay dahil sa choices ko ng kanta? Mwe-hehe..obvious ba?

Uy! Kaka-discover ko rin lang yang si Bob Ong..I bought two of his books rin nitong last uwi ko sa atin. Di ko pa lang nababasa at nakapila ang mga babasahin along with Fili and Noli nga. At hay naku, ganyan na nga yata ang drama ng mga "nagtaksil" kay Inang Bayan...super invest pa rin sa Pinoy ingredients para lang mapagbigyan ang kalam ng native na sikmura..hahaha. Buti na lang pumasa sa panlasa ng mister kong Aussie ang dried pusit at ..kornik!

Cheers, Marc. Thanks for reading and commenting. Take care! :-)

Hello po, I agree sa post mo I'm working here in Saudi Arabia katulad nyo po my time na homesick na rin po ako, tulad nyo dinadaan ko lang sa pakikinig ng music at pagbabasa ng book from a Filipino author collection ko po sa Pinas lahat ng sinulat ni Mr. Bob Ong tyaka sakitchen cabinet ko di rin nawawala ang mama sita sinigang mix, patis, toyo at ang pinaka paborito ko Bagoong na isda!