
Six months ago, I was with my peer at the Philippine Embassy here in Riyadh City, Saudi Arabia to apply for a new passport. At the main gate, the security guard confronted us for identification. My peer produced his driver's license and the guard acknowledged it. Me handed my company ID in which my name was written in Arabic but the guard ignored it.
I produced another ID from my wallet that I used to remit money in the bank. He looked at it then said, "I'm not a bank teller."
Fed up but I remained cool. I took another ID. I gave it to him, he looked at it, turned it this way and that. I saw him smiling looking at the picture, which I attached on the card with those numbers were the date of expiry-January 31, 2003. It was my membership card for the Freelance Writer's Group. Then he gave it back to me with his approval and comments, "You look alike my grandpa!"
I wanted to reply to his comments though I did not pursue because I was afraid he might change his mind so I left him, walked inside without looking back.






Kumusta ulit ppruel. Sa aking huling comment, nakalimutan kung sabihin na si Jim Paredes ang exception sa aking obserbasyon tungkol sa mga pilipinong bloggers sa kamusta.com na sumusulat sa Ingles. Kahit minsan ay hindi ko pinagtawanan ang kaniyang mga blogs. Fan niya ako. Si Mang Jim ay magaling sumulat sa Ingles, at halos kasinggaling ng mga manunulat na Ingles ang kanilang sariling wika. Halos . . 92 percent. Yung 8 percent na kakulangan niya ay dahil sa puso at kaluluwa, Pilipino pa rin siya at sa aking humble opinion, 92 percent ang pinakamataas na maaabot ng Pilipino (born and raised in the Philippines)writing in English. Ako mismo ay maaring hanggang 49 percent lang, pero sa pagbabasa, pati ng aking sariling panunulat, nakikita ko ang ating kakulangan sa Ingles. Ang pinakaunahang weakness natin? Syntax. (kung papaano natin pinagduduktung-duktung ang salita). At iba pa, tulad ng: dangling prepositions, sobrang dami ng salita, absence of nuance, sobrang arte (affected writing in an effort to impress the reader), etc. Tama ang mag-aral ng ibang wika, dapat pag-igihin nating ang ating kaalaman sa Ingles, ngunit dapat ay pinakauna pa rin ang Pilipino. Dapat ay may pride tayo sa ating sarilijng wika. Dapat ay mas magaling tayo sa wika natin kaysa sa Ingles, o pantay man lamang. Dapat ay hindi nating sobrang tingalain ang mag taong magaling mag-Ingles. Yoon ay kung talagang magaling mga, ika nga. Tanong ko sa lahat ng mga readers nito: Kung alan ninyo, pakisabi nga ang mga pangalan ng Pilipino (na lumaki sa Pilipinas) na naging manunulat sa major English publication tulad ng Time, Newsweek, US News and World Report, New York Times, or any major, internationally distributed British/Australian/Irish/Canadian publication, o kung sinong Filipino novelist ang nabigyan ng Pulitzer award, o naging bestseller. Kung mayroon nga, anung porsiento sa ibang renowned English writers ang bilang nila? Ang aking bottomline? Sabi ni Mang Jim Paredes, ang mga entries sa weekly contest niya ay puedeng isulat sa Pilipino. Kung ganoon, mga kababayan, huwag kayung mangiming isali ang inyung mga kuwento na isinulat sa Pilipino !!!! More power to Pilipino !!! Excellent Pilipino is better than awkward English!!!
Tulad ng dati Sir mxa3, napaglalabanan ko pa rin ho ang lungkot na minsa'y aking nararamdaman dito sa Kaharian. Paul na lang ho ang itawag n'yo sa akin. Noong 1999, nang kasalukuyang naga-aral ako ng creative writing course with The Writers Bureau sa Manchester, London by mail, habang nagtratrabaho ako dito sa Riyadh, isa ho sa pinakamahalagang payo sa akin ng aking tutor, na hanggang ngayo'y nananatiling buhay sa aking isip at puso - at nadagdagan pa ng inyong pagpapaalaala - ay ang magsulat at humabi ng kuwento, tula at iba pang mga sulatin sa sariling wika, dahil mas lalo kong mabibigyan ng kulay, buhay at katuturan ang isang lathalain gamit ang sariling dila at wika. Salamat ho uli sa paalaala. Gumagalang...
Paul, salamat din sa iyung pagpansin sa aking paalala na mahalin mo ang sariling wika natin. Napakaganda talaga ng inyung sulatin sa wikang Pilipino. Hindi ba totoo na nakakatulong sa iyung kalungkutan and iyung panunulat? Parang may kausap ka laging kaibigan habang sumusulat ka tungkol sa iyung mga damdamin. Kapag sa palagay mo ay mayroon kang novela o kuwento na dapat pansinin ng buong mundo, ito ang aking paalala: Isali mo sa contest s atin bansa ang iyung mga sulatin. Kapag nanalo, kumuha ka ng taong mag-tra-transalate para sa iyo sa Ingles o ibang wika Kadalasan, ang isang sulatin na tinanggap ng isang publishing company ay na-tran-translate sa Ingles at iba pang wika upang dumami ang kanilang sales. Sobrang busy ang buhay ko ngayon subalit malay mo, isang araw ay baka makatulong ako sa iyu para nagtranslate into English. Baka lamang. Sa ngayun, ibuhos mo ang iyung puso at kaluluwa sa inyung mga sulatin sa ating wikang Pilipino. Halimbawa, sumali ka ulit sa mga weekly contest ni Sir Jim, pero, isulat mo sa wikang Pilipino. God bless you.
Tama ho kayo Sir mxa3, malaking tulong sa akin ang magsulat o maghabi ng tula o anuma pa mang sulatin. Ito ho talaga ang nagiliwan ko hong gawin as hobby at paraan ho na malabanan ang homesickness/homesexness na minsa'y nagpapahina sa aking katawan at isipan. Doon sa 4th week na pa kontist ni Sir Jim ay di ko na ho inihabol, natapos ko nang sulatin sa wikang pinoy entitled, "Falafel Sandwich with Laban" ang kaso ng aking e researched sa internet akin hong napag-alaman na ang Falafel ay di maituturing na native dish ng Saudi kasi native dish din iyon ng iba pang arab countries at halos lahat ng sangkap sa pagkain na iyon ay makikita rin sa atin bayan kaya di ko na ho itinuloy.
Kung may pagkakataon ho kayo bumisita ho kayo sa website na ito (http://www.patnubay.com) dito ho binigyan ako ng admin ng special page para sa aking mga tula at kuwento ng aking puso. Hanapin n'yo lang ho ang poetry section - may isa doon na ang pamagat ay (tsapbuk: Original Filipino Writings -OFWs) ito ay kalipunan ho ng aking mga tula, mga pag-iyak ko habang ako'y nalulungkot. Musta na lang ho.
Mang ppruel:
Congratulations. Gusto kong malaman niyo na dapat sumulat kayo sa ating sariling wika. Magaling na kayo sa wika natin, ngunit mas gaganda pa kung yung wika natin ang lagi niyong gamitin. Bihira sa Pilipino ang talagang magaling sumulat o magsalita sa Ingles at natural lamang yun dahil hindi natin sariling wika. Dangal at dakila ang manunulat na gumagamit ng sariling wika. Maraming manunulat ang tinitingala mg mundo na sumulat sa sariling wika nila - aleman, frances, kastilia, intsik, etc. at dahil sa kagandahan ng kanilang sulat, na-translate sa english at iba-ibang wika. Wala pa akong nabasa sa blogs ng Kamusta.com na isinulat sa Ingles na hindi ako napangiwi o humalakhak dahil sa dami mg mali. Fan ako ng mga tunay na Pilipino writer. Tulad ninyo.
Sir mxa3:
Nagpapasalamat ho ako na inyo hong pinahahalagahan ang ating sariling wika - dahil d'yan maaasahan n'yo ho na lalu kong pagbubutihan at lalo kong iwawagayway sa buong mundo ang tamis ng ating Wikang Pilipino.
Congratulations Ppruel! this blog is the winner of week # 2 of Kwentuhang Kamusta.com. We will be sending an email to you soon, please check your email regularly.
From the bottom of my heart nagpapasalamat po ako na napili ang aking kuwento. At hihingin ko narin po ang inyong pagpayag na kung puwede po itong site ay e-link ko sa iba kong blog sites. Handa po akong mag post ng iba ko pang blogs dito, mga awit at kuwento ng aking puso in the forms of tula/poems kung OK lang po sa inyo.
Gumagalang,
Paul Pruel/Riyadh, KSA
I read your life story in your blog. touching one. it's nice to know that inspite of what you went through, there are instances that make you laugh and this is one of them. Nice.
Masarap mabuhay kapag nakaranas tayo ng kapaitan at yon ay gawin nating ingredients para lalong maging makulay ang ating pamumuhay, naka taas ang noo, malakas ang loob at handang humarap sa anumang unos o bagyo ng buhay. Parang naging serious yata ako ngayon, hehehe. It's my pleasure dude to say thank you for given your precious time to read my blog. Salamat sa comment bro. By the way, what particular blogsite where you read my blog?
hindi po ako dude at bro, inday po ako. anyway, saw your life story in your mutliply site when you wrote that 'iniibig lahi something'.
Cguro ang nabasa mo doon ay 'Mangarap Ka, Huwag Hihinto' a short account ng buhay ko noon at sa kasalukuyan. Dude, bro, inday or sister at ano paman ay buong puso kong tinatanggap, ginagalang at minamahal. Salamat kay Sir Jim, he created this site. Thousand miles away pero heto tayo abot kamay nagpapalitan ng kuro-kuro't opinyon kasama kamustahan. Nang sabihin mong Inday ka naalala ko ang isa kong tula na pinamagatan 'Gayuma ni Inday'. Ito'y isang dalit.
Anong gayuma ang gamit
ni Inday? Ako ay sabik
sa kan’yang karinyo’t halik
sa’king labi’y kumakapit
Kahit sa aking pagtulog
lasap ko’ng kan’yang pag-ibig
ang tamis at sobrang init
‘di mawala sa’king isip
Sa t’wing ginugunita ko
ang huli naming pagtagpo
kahit ako’y napapagod
tuloy parin ang pagkayod
Aking Inday humanda ka
sa muli nating pagkita
tuhod ko’y malalakas pa
lalaban hanggang umaga!
Hingal-hingal, isang dalit
Ng totoo kong pag-ibig…
Ako ulit. Ppruel, galing mo talaga sumulat sa Pilipino. Bilib ako at inggit dahil gusto ko sana, ganiyan din ang aking kaalaman sa ating sariling wika.
Tama ho kayo Sir Jim, unexpected ang kanyang reaction pero sa tingin ko friendly naman siya dahil nang kami ay umuwi na at dumaan uli doon sa main gate namukhaan parin nya ako at nagsabi "quais sadique" ang sagot ko sa kanya "shokran" at sabay handshake. Inisip ko na lang na ako'y kanyang napag tripan.
Naku dude, sa oras na yon namumula ang mukha ko, nagpapanting ang taenga ko at dinagdagan pa ng pang-aasar ng kasama ko nang aking ekuwento sa kanya. Sabi ng kasama ko, "Ok lang sana kung sa father niya ikaw inihambing, kaso sa kanyang grandpa," sabay tawa. Ibig sabihin ganuon na talaga ako katanda. 'Langhiya naman.
hahahahahahahaha! natawa ako dun ser ha... anak ng tipaklong namang yang mga arabong yan! mang-aasar muna eh bago kayo papasukin. pambihira!
Natawa ako dito. hah hah. napaka unexpected ng reaction ng guard!